Kilig Factor?
SInce 2005, 6 relationships na ang napagdaanan ko, pero sa 6 na yun, di pa ako nakakaranas ng isang valentine date. Laging di umaabot sa Feb. 14, kaya no comment ako pag tinanong ako kung ano ang feeling. Siguro masaya yun, kasi special day yun lalo na pag kasama mo ang mahal mo. Matinding kilig factor.
Sinabi ko dati sa dito sa blog na ayoko ng pag-usapan ang love life pero di ko alam, bakit ganito, bini-break ko ang promise ko? Pero aaminin ko nalang siguro na yung previous relationship ko ang pinakatinamaan ako.
BLOG: Jhei Morisato! Emo ka na naman ba? Di ba punkista ka?
JHEI: Uhm, ayoko na nga! Inaaway mo naman ako e.
BLOG: Joke lang e, sige na, kikay ka na, kuento ka na ulit
JHEI: Kikay ka diyan? Tse! o siya, eto na.
Kasali ako sa WE ADORE DANITA, text clan yun. Then came Pau, ang sweet niya sakin, ewan ko ba kung bakit. Tapos bago matapos yung unli ko nung Sept. 1, may inamin siya sa akin. Di ko na sasabihin kung ano yun to protect her intentions. Tinanong ko na lang kung bakit niya nasabi yun for which she replies: KC IBA K, UR NICE ND FRIENDLY.
BLOG: Jhei! Mahal ka non? Pano..
JHEI: Shut up! Walang kilig factor yan para sa akin, sobrang miss ko na ang OTAN ko. Di pa niya nararamdaman yung gusto kong i-feel niya. Di parin ako ready sa bagong chorva, kung ready man ako, gusto kong balikan siya. Super hinayang.
BLOG: Di ka kinamumuhian mo siya?
JHEI: Drama lang yan. Tama na siguro to blog, gusto kong haranahin na lang siya, sakaling mabasa niya to. Gawin na lang niya yung procedures na ibibigay ko para marinig niya na para sa kanya yun.
BLOG: Wushu! I.T. kinuha mo, di ka bagay magartista, pero pwede siguro ano, ahm, journalist!
JHEI: Tumigil ka nga! Asar talo na nga e, kita mo ba yung latest post niya? Ang saya niya! Di niya ko kailangan. Ayun. Nga pala, thanks kay ate Tin del Rosario sa mga banat na tinext niya, kahit alam ko na yung iba! Hahahaha! At kay Yunika Maan, dahil kakuwento niyang na-LSS daw siya sa Mag-usap Tayo Please. Kay Jeckis Jec, sa accomodation sa Ruhsters (text clan). Lastly kay Pau! si bhest! Ay meron pa pala, kay Bespren Eunice! Sa pakikipag-ingay sa akin sa Madzters United, nung umaga ng Sept. 1. Sensya na kayo sa reaksyon ni BLOG! Nagsasalita na siya e.
PROCEDURES:
1. Open a new browser (i.e. Firefox, IE, Opera, Chrome)
2. Copy this link,
3. Paste sa address bar ng browser, (text mo ko, para ibigay ko yung link, ayaw ma-post dito ee..)![]()
4. Pag lumabas na yung prompt script, click open and damahin mo po sa puso!
BLOG: Di kaya marindi yun sa boses mo? Aray! Bat mo ko kinonyatan?
JHEI: Di ka ba titigil? Sidekick lang kita.
BLOG: Yabang!
JHEI: Sipain kita sa side e.
verification text: PBA0910093s6
1 comment.
