I Want To Be JHEI MORISATO
Im rid of introdcing myself everywhere. Palagi ko na kasing nakikita, ginagaya yung style ko ng pag-blo-blog. Gusto ko ako lang yung ganon. Para maiba naman, ito naman, if you want to be a jologs, squatter & matapobre like me, ituloy mo lang basahin to.
PERSONAL HERO
Like kuya Atom (Araullo), marami akong hinahangaang tao, depende sa talent ng tao. I usually look for a profound expression of sacrifice. Andyan ang mga working students na talagang hinahangaan ko. Pero sa lahat-lahat, si MAMA ang personal hero ko.
LIFE CHANGING MOMENT
After graduation - Ang dami talangang nagbago, every singular moment. Dati petiks-petiks lang sa school cause I’m a geek (ako yung type ng guy na di dapat mag-ka-gf). Ngayon, ang dami ng problema.
FAVORITE BOOK
Bible/Ang Alamat ng Gubat - Di ko masabing favorite ko siya e, ang dami ko ng nabasang book, pero pag ito yung binabasa ko, sobrang iba yung feeling: weird. Yung Alamat ng Gubat, sobrang nakakatuwa. Bob Ong, siya yung influence ko dati sa Pag-susulat. Di mo akalaing may deep meaning yung mga kalokohang sinasabi ng bawat character.
FASHION ESSENTIAL
Long sleeved hoodies - Parang ang angas kasi ng looks, favorite ko siyang isuot kahit anong event. Malapit na rin maagnas ang kaisa-isa kong jacket na yon.
FASHION SENSE
Simpleng outfit lang yung hilig ko. Wala kasi akong effort mag-suot. Makikita niyo akong nagala with my sneaks, maong, tsaka kung anong T-shirt na lang.
CAN’T LEAVE HOME WITHOUT
Cigarettes - Naku, bago ako gumala, yun ang una kong binubulsa, sabay na yung lighter, tapos bahala na kung may maiwan. Basta may baon na yosi.
BIGGEST ACHIVEMENT
Quezaveo - Yung pagkakabuo ng banda ko achievement na yun e, lola na yung mga songs. Yung pinaka-gusto kong mangyari kasi sa akin di pa nangyayari: Meet and greet Hayley Williams.
DOWNTIME
Gigs - Kapag gumigimik ako, gusto ko nakikinig lang sa banda, siyempre dapat may beer. E, I rarely go out to bars, kaya I often stay home listening to CD/MP3 or jamming with Quezaveo or naglalakad kung saan-saan.
SECRET VICE
Top 20 crushes - Weird kong gawin yan, pag may nakikita akong maganda sa TV, crush ko na, then ililista ko, according sa rank. Baka kasi, one time, makilala ko siya. Diba? Hahahahaha! :))
PET PEEVE
Artista search winners - Sang-ayon ako kay DJ Mo Twister! Na yung local celebrities naten e, di marurunong umakting. Ang OOA. Kainis pag nakikita ko yung kaartehan nila.
HIDDEN TALENT
Hand washing clothes - Not a talent at all, pero malay natin, maging labandero pala ako balang araw. LABANDERO RACKSTAR!
verification text: PBA0901s1628
no comments yet.
