Batang Paraluman: Madzters United
Ito na ang pinaka-kakaibang blog post ko. Ang i-assess ang isang text clan na sinalihan ko. Ang Madzters United, isang text clan ng mga nagkakaisang supporters ni Madeline Ramoboyong (ang pinakacrush ng bayan sa lahat ng Soupstar talents). Ang Madzters United o MADZ U ay ang offhoot ng Madeliners. Nabuo ang samahang ito noong April 7, 2009, panahon na binuwag ang Madeliners upang bigyan daan ang isang mas maingay na clan.
Di ko na maalala kung kailan ako sumali dito, pero natatandaan kong dinugo ang utak ko makasali lang dito. Nung makapasa ako sa pagsubok, wala pa palang pangalan ang MADZ U.
Ilang buwan ang lumipas, nagquit ako. Pero may isa pang pagkakataon na ibinigay sa akin. Sumali ulit ako, di ko na to pakakawalan. Ito ang second chance. Hahahaha!
Eto ang mga masasabi ko sa bawat miyembro ng MADZ U.
Habang sinusulat ko ang post na ito, ay kasalukuyang may 12 miyembro sa list ko.
MODERATORS:
DANICA (Daga) 18 Laguna - Sa Madz U., siya ang pinakalagi kong nakakasama, pero never pa sa gig ng Paraluman. Siya ang pangunahing mod. Di ko masabing close kami, pero I can talk to her deeply. Siguro close na rin kami kasi she can share her secrets to me.
EUNICE (Bespren) 18 Cavite - Ang pinakakuwelang miyembro. Matalino, kaso walang buypren. Hahahaha! Di niya kailangan yun, pinapangunahan ko na kayo. Ay! Kababayan ko pala siya, tubong Tagaytay. Matapang na TENYA. Siya rin ang pinakamaraming katawagan ko. Mula sa TENYO-TENYA, PANCHO-PETRA naging KABISYO-BESPREN na ang tandem ng tawagan namin. Magaling kami e.
SABRINA (Bogz) 16 Rizal - Tubong Pililia, siya ang pinaka-salbahe sa lahat ng mod. Siya din ang laging ka-asaran ko. Kaya minamahal ko yan e. Minahal kasi niya ako. Hahahaha :)) Ano pala. Ahm.. Kapalitan ko ng mga banat. Parang tanga lang kami. Siya din ang laging tumitingin ng picture ko sa friendster, siya kasi yung may pinakamaraming photo comment doon. Mahal ko yan kahit isa siyang BABOGS.
MEMBERS:
ELA (Boogie) 17 Marikina - Adik din to, makulit, nagiging close na kami lately kaso naudlot, nag-smart ata. Ayun. Haha. Maraming kuwento sa akin yan, kahit di ko na siya tatanungin. Good job, boogie!
JABES (Totoy) 16 Muntinlupa - Anak-anakan ko to, akala ko nung una babae, pero siya pala yung pinakamasipag magreply sa mga comments ko sa YouTube channel ko. May project kami niyan. Suprise! Tsaka mabait yan!
JANINE (Myxko) 16 Bulacan/Pampanga - Myx lover din siya, tulad ng karamihan. Siya yung pianaka-unang katawagan kong weird pakinggan. Unique e. MYXKO. Haha. Una o na siyang nakilala sa MyxLive Chat. Pasaway siya lagi. Natututo ng makipagkulitan sa akin.
JHA (Ate ng lahat) 22 Makati - Yosi buddy! Ang pinaka-wranglers saming lahat na nasa clan. Kaya siya ang ate ng lahat. Yung GM niya sunod-sunod, puro nga lang qoutes. Hahaha! Pag pumupunta akong gig, ang muhka niya ang pinaka-madalas kong makita. Last gig ko ata, siya kasama ko, inaalok pa ako ng yosi. Huwag niyong aalukin ng Marlboro Lights yan. Allergic siya don. Sarap maging close ng ate na to. Kuwela pati.
YVES (Babes) 19 - Si boy qoutes, tropa yan. Haha. Trip lang namin yung tawagan naming babes, lalo na pag maingay. Yun nga lang, di pa kami nag-iingay ng sabay. Siya rin ang karibal ko sa puso ni Madeline.
RHEA (Tots) - Nawawalang ka-close ko. Callalister! Hahaha! Yun lang ang naalala ko sa kanya. Kaya kung nababasa mo to, mag-load ka naman.
ANNE - Isang babaeng naka-text ko minsan. UPCAT thinga ata yung pinag-usapan namin. Naalala ko asa UP pala ako nung katext ko siya. Hahaha. Ayun, di ko siya masyadong close.
RHANNY - Di ko pa siya nakakatext.
May mga kasaling nawala sa eksena na inaabangan naming magbalik: Duane, Kai, Jovy, Abigail, Monics, Charlie at di ko na maalala kung meron pa.
verfication text: PBA09p600808
6 comments.

