Love Always & Forever
July 24, 2009
It all started on their teasing, started on a friendship. That’s all I can remember kung kailan kami naging close ng isang Roxanne Frances Enriquez. Nakilala ko siya bilang moderator ng isang text clan at di ko akalaing maiin-love ako sa kanya. Naalala ko ang mga simpleng text namin kung saan sabay kaming kumakain, minsan sa GM pa. Tama, natatawa na lang ako pag iniisip ko yan, pero ang mga text na yun ang nagpasimula ng lahat. Mula sa pagkakaibigan naim hanggang sa tawagan naimng Otan at Popoy.
Unang nagustuhan ko sa kanya ay ang kanyang pagiging sweet (yun ang alam niya). Di niya alam na nagustuhan ko siya dahil isa siyang babaeng handang dumamay. Kapag may problema akong sinasabi sa kanya, naaapektohan din siya at talagang gagawa ng paraan para i-comfort lang ako. Madali ko siyang sinabihan na gusto ko na siya (Apl. 10), naiilang lang ako kasi paulit-ulit kong sinasabi yun, kasi daw choppy. Pero masaya na rin ako non at nasabi ko sa kanya yun. Mula non ay pinatuloy ko siya sa puso ko (kahit pa di niya gusto yung yellow).
Apr 20, una kaming nagkita sa MRT Boni station (mahalagang malaman yan, basta). Yun ang unang meeting namin, una naming pagsabay kumain sa totoong buhay, doon yun sa McDo sa may mall sa Guadalupe (hanggang ngayon ay di ko parin alam kung anong mall yun). Si Otan na ang may sabi, yun daw ang YELLOWLAND. Pagkatapos namin don ay pumunta agad kami sa Quattro Bar sa Timog, QC, para tapusin yung date namin (humingi siya non ng pasensya sakin kasi wala daw yellow).
Mula non ay siya na ang inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. Kahit pa lagi ko siyang inaaway kasi minsan dini-disappoint niya ko. Thankful narin ako kasi andyan siya palagi kahit hindi madalas.
July 8, tinanong ko siya ng “mahal mo ko diba?” sumagot siya ng “oo”. Tinanong ko ulit siya pero di na niya inulit. Ito ung dahilan niya:
“Parang gu2 ko kc ung ganto lang muna..alam mu un, ska nagpromise kc aq sa lola ko.. tatanawin ko muna siya bago ung ganto”
From that point, na-disappoint niya ulit ako, at naisip kong sumuko na sa kanya kasi iniisip ko, paano niya nasagot yung ex niya kung di pa pala siya handa. Inisip ko na rin na ayaw niya sakin kaya umiwas na ako, nagcomment sa fs niya ng mga bagay na di niya pala maintindihan. May idinulot daw yun sa kanya pero di ko naman alam kung ano. Di ko na rin siya tinetiext non, dahil nag-palit muna ako ng network.
July 17,nagparamdam ang isang Catherine Go sa akin ng “text mo si Rox”. Tinanong ko kung may problema, tapos sabi niya kumilos na raw ako at baka mawala siya pag ganito ako lagi. Ayun, tinext ko siya. Tinanong ko siya ng “ANo? MAHAL MO BA AKO O HINDI? SABIHIN MO NA PARA ALAM KO NA GAGAWIN KO”. Medyo diyahe pa nga yung Globe, sinasadya atang ipa-late recieve yung reply niya, kung ano-ano pa tuloy pinagtetext ko. Ayoko na ituloy yung sumunod na nagyari. Alam mo na rin naman yun e. Si Cathy ang nagsabi sakin na maaga pa raw para sumuko ako. Siya din ang may sabi sa akin na malungkot si Otan dahil sa akin, dahil akala daw nyia hindi niya ako gusto. Basta July 17, 2009 ang araw ng pagpasok ko sa puso niya. Promise, di kita iiwan, OTAN.

My Love is Forever

