(January 5, 2008 by Jhei Morisato)
Di ko malimot ang matinding sayang hatid
Nong ika’y nasilayan ng mauuhaw kong mata
Pananaginip ko sayo tila yata’y napatid
Ngunit nagtuloy tuloy ang pangagnarap na sobra
Ala-alang sobrang kay saya
pakiramdam na sadya rin ang ginhawa
Ala-alang gusto ko pang ulit-ulitin pa,
Oras na di na kayang ibalik ng panahon.
Ngiti mong talaga namng nakakahawa
Maamo mong muhka na saki’y nagpamangha
Pagkatapos ng mga pangyayaring nasa nakaraan na lang
Ang damdamin ko’y sadyang nangungulila
Ikaw ang nasa isip gabi-gabi
Pinupuyat lagi ang aking guni-guni
Minsan gumulo ang pag-iisip ko
May bagay na nagpabago ng aking prinsipyo
Tanging siya rin lamang ang nagbalik
Ng aking damdaming natuyot na sa lupa
At yaring bumalik sa aking ala-ala
Ang Ngiti ng binibining dapat sinisinta
At akin na itong tatapusin
Ito talaga ang nararamdaman ng aking damdamin
Binibini, Nong kinurot mo ang pisngi ko
Para mo na ring kinurot ang puso ko.