The Girl I Hated The Most

Posted on July 25, 2008 by keehnah.
Categories: Friends.

Ang teacher kong di ko matake ang ka-artehan! Sana mahilig siya magbasa ng blogs no? Para malaman niya ang hinaing ng istudyante niya, at ako na nga yon. Meet this fresh graduate ng ICC-Las Piñas namely Rosita Solano. Maganda, sexy, type ng marami, pero di ko type, di ko taste, she’s a crap! The dirt of me (teka, parang sobra na ata, wag nalang yung last). Bakit inis ako sa kanya? Dahil sa ugali niya! KJ! Ayaw makarinig ng ingay, tapos magsusungit sa mga ayaw niyang istudyante. Maglalayas pag naiinis habang naglelecture, tapos magsusumbong sa isa pang instructor para pagalitan kami. Para sakin ayos lang ,mainis ee, pero sa kanya, konting bulungan lang magwo-walk out, matataas ng boses at sasabihin: “Humanap kayo ng ibang instructor niyo sa LS3″. Halata sa acting niya, pilit lang at hindi bagay.
Sana nakisama nalang siya para walang gulo. Sa totoo lang, noong una ko palang siyang nakita, wala talaga akong balak na makipag-close sa kanya. Kahit ngayon. Si Maam Rey-An lang ang kinikilala kong teacher. Sana next sem di ko na siya teacher… si Aling Rosita, nagpalit ng pangalan at ginawang Jhessa. Nice name. Hi hi hi bhur??

Day 1 of my OJT: DISASTER!

Posted on July 23, 2008 by keehnah.
Categories: Jhei's Fault.

July 21, 2008 was my 1st day of office job as an OJT, at the Municipal Engineering Office of Bacoor Municipal Hall. Doon ako magsisilbing Draftsman and CAD Operator sa loob ng 300 hours. My 1st day as an student trainee was a disaster!
What happened? 5pm nag-time out na kami ng mga kasama ko sa OJT. Nagpagkasunduan naming maglakad mula munisipyo hanggang Zapote. From there naghamon si Ian (kasama ko sa OJT) na pagpatuloy namin yung paglalakad hanggang sa amin, pag di na namin kay e sasakay na kame. Sabihin ko lang daw sa kanya if di ko na kaya. Know what happened next?
Pumalag na ako, nasa Aniban pa lang, sabi ko sakay na kami pero painom muna siya ng ICE COLD water, which kinomand naman niya.  Pagdukot sa bulsa niya, sabi niya sakin: “TOL, NAWAWALA SINGKUWENTA KO, LALAKAD TALAGA AKO”. Sa pagkakaalam ko may nalaglag din sa akin nong marinig yon, nalaglag ung ngala-ngala ko sa pagkagulat. Sabi ko sa kanya: “Paparusahan mo ba ako? Anong Kasalanan ko?” Naawa ako sa kanya kaya dinamayan ko nalang. Mas malayo pa ang destinasyon niya sa akin dahil Soldiers ako siya e sa Queensrow pa. Lakad kami, lakad at lakad. Sa pagka-awa ko pina-utang ko nalang sa kanya yung perang pamasahe ko sana dahil nga mas malayo pa siya. Hanggang Molino Jolibee pa siya naglakad samantalang ako e hanggang bahay namin sa Soldier’s IV Subd.
Sa mga di nakaka-alam kung gaano kalayo yung BACOOR TOWN HALL hanggang MOLINO JOLIBEE, kasing layo siya ng QUEZON BLVD sa QUIAPO Manila, hanggang TAFT corner Buendia. Ganon kalayo yung nilakad namin ni Ian. Grabe, nakagawa kami ng world record nang hindi namamalayan ng Guiness. Pero bayani ako!Hahaha!

Brewrats moment to! Yeah men! Hi hi hi bhur??

Anniversary ng PROMOTOR CD ko

Posted on July 15, 2008 by keehnah.
Categories: Music.

haha! 1st year anniversary po ng CD ko na promotor.. Danita po yung artist.. i still love her!
grabe ang impluwensiya niya saken.. mahal na mahal ko yung babaeng yun..
ung song na LUNOD.. love ko den.. sa word lang na LUNOD ako galet..
special day ko ngayon.. i invited my 4th band called Dear Ma’am Jessa na mag-studio kanina! astig kasi sumama naman.. waLang kuwenta ung vocals.. walang dating ang boses, pero buti na lang hindi ako ung vocals.. tinugtog namen ung KUNG WALA NA NGA tsaka LUNOD tsaka COOL KA LANG kasi nirequest ko.. guess where kami nag-studio?? sa SM Bacoor, kung saan kami last na nagkita ni ate Dan..

special day talaga.. i love my 4th band.. magaling makisama..
astig! wasaque! tama! and Danita! sana maka-jam ko ren sila!
astig ang first twelve months ng CD ko.. haha!! gasgas na gasgas na ang CD..
hehe..
isang makapagdamdaming Lunod ang papakinggan ko mamayang 6pm.. oras na tinugtog ng Danita ng live lasy year!

Rica Quiz Bee

Posted on July 13, 2008 by keehnah.
Categories: Games.

Rica was one of my online buddies. One of my favorite online buddy. Nakilala ko siya noong mga panahong baliw ako kay Danita (yung…??) Wala lang naman ako noon, nagulat ako kasi kakilala niya pala si Ate Felice Desiderio (kagalang-galang na ate). By the way, naging textmate ko siya for 1 day, 1 day lang kasi di na siya nagtext saken kahit kailan ulit. Ayaw na niya ata sakin. Natakot ata na baka diskartehan ko siya at masira ang kinabukasan.

Teka..
Ipapamuhka ko pala sa kanya tong quiz..
hehe.. :]
peace Rica Angeline..

1. Anong Rica ang pampalasa?
   edi meRICAdo
2. Anong Rica ang kinakain?
   edi RICAmatis
3. Kung hindi America or Costa Rica, ano pang Rica ang bansa?
   edi koRICA (doon galing yung favorite ko na Witch Yoo Hee)
4. Anong Rica ang nakakatakot?
   edi RICApre or kapRICA
5. Sinong Rica ang nabuntis?
   edi si Jennelyn MeRICAdo
6. Sinong Rica ang baduy na idol ni Jhei?
   edi si RICAl Ann Go
7. Anong Rica ang favorite song ni Jhei (kunwari)
   edi RICAlize
8. Cute ba yung mama ni Yuzhuhiko at Mikan?
   Oo, kasi Ricamuhka niya (ni Rica.. joke Lang)
9. Bakit ko ginaganito si Rica?
   E kasi gusto siyang pangitiin ni Jhei, Ricawawa naman daw siyang nag-mamakaawang gawan siya ng fan sign. Sana daw makaganti siya para sweet sila..

ehem..
cornyhan mo po! go go go! kaya mo yan!

NAWAWALA PO YUNG FISHEYE KO DAHIL SA KATANGAHAN KO

Posted on July 10, 2008 by keehnah.
Categories: Jhei's Fault.

   Before the noon of July 10, hinanap ko yung copy ko ng FISHEYE (album ng Callalily) para patugtugin sa player. Nagulat nalang ako nang makitang wala ito sa shoulder bag ko. Alam ko kasi nandon yun, kasi dinala ko yun sa school para ipahiram. Tatlong CD yung dinala ko sa school, yung Destination XYZ (callalily), Todo Combo (moonstar 88) at yung Fisheye nga. E hiniram yung nila yung dalawa lang, bale naiwan sakin yung Fisheye. Nandon lang siya sa bag alam ko, at hindi ko na iyon ginalaw.

    Nong makitang wala siya sa bag, may suspetsa na ako. Maaring nalaglag ito habang naglalakad kasi bumili ako ng MBLights sa isang sari-sari, tapos doon ako kumuha ng pera sa bag. Nabuksan ata yung bulsang na nandon yung CD, tapos akala ko andon yung pera kaya nagbukas ulit ako ng ibang bulsa. Pagkakuha ko ng pera ay hindi ko ata nai-zipper yung bulsa na nandon yung CD kaya nalaglag ito. Yun din naman yung naabutan ko sa bag, nakabukas na ang zipper.

    Doon po sa nakapulot ng CD ko, parang awa mo na, pakibalik naman yung CD ko. May malaking senti value sakin yan! Sa launch ko pa yan binili, nangutang pa nga ako ng pambili ee. Sige na, bibilhan na lang kita ng bago, isauli mo lang sakin yan.

    Or kung hindi pa napupulot, kapag may nakita po kayong CD na nasa itim na case na karton, tapos yung cover is black na may bilog na picture ng Callalily sa gitna, may nakasulat na Callalily sa taas, tapos may autograph sign using silver marker (Lem sa upper left, Kean sa lower left, Alden sa mid left, Aaron sa upper right at Tatsi sa lower right).

    Mapupulot siguro yan along Molino-Paliparan Road (from PAG-ASA - Soldier’s Hills IV) and Main Road ng Soldier’s IV (from Tulay - bahay namen sa Phase 2). Pakitext po sakin kung napulot niyo 09193085019, or tawag sa bahay namen (046) 477-1290 or pakihatid nalang sa bahay namen Blk. 31, Lot 15, Phase 2, Soldier’s Hills IV Subd., Molino, Bacoor, Cavite.

    Pakibalik po, God Bless! Pasensya na sa katangahan at ka1_423152262lburaraan ko.. :((