Hitting The Final Post (The End of this Diary)

Posted on October 2, 2009 by keehnah.
Categories: Uncategorized.

Acknowlegement:

For all my readers I give you all my thanks and love for making The Diary Of A Superboy Rockstar Wannabe’s 4 post as nominees for Best Blog Post for the upcoming Philippine Blog Awards 2009. First & foremost, thanks to Sabrina & Eunice for the love & trust, please stay devoted to my upcoming weblogsite, and to Jabes for making the second motion.

To Lian, who inquires to me how to vote, there are NO VOTING PROCEDURES. The winner will be based on the judges’ decision. By the way, I appreciate your patronage.

I would also like to thank Natalie, Rica for your bias  comments. :)) To my Bhez Basha, for your love and the friendship. As long as were alive, were breathing (what?) LOL. :D
To Sopiz High, Cathy, Danica, Joffa, Maan, Shy, Jona and others, Jhei Morisato loves you. Keep on headbanging’.

Madzters United: Ela, Eun, Janine, Jha, Sab et al., wala lang, thank you sa mga binasa niyong post ko.

Ruhsters: Arjeruh, Emy, Jec, Paula, apir sa inyo! Alam ko wala kayong pakialam dito, pero yan si Gulay, I will marry her with a fan sign, right? C:

We Adore Danita: Anavel, Chelle, Debbie, Guia, Sofia, hope you recieve my smiles for you! Melai, gawa ka na ng tawag sakin, bahala ka. Thanks! :)
To all the people who surrounds me, my family, friends, GFTD, Quezaveo, Applecalypse, productions et al., parte na kayo ng buhay ko. Keep safe.

Club Monicans: Ynah & Macon, yung text clan natin asan na? Hahaha! Sali si VJ Monica?

Yosi buddies, Jeff, Bilog, Chairman, Phedz (nabaliw na), Ronzkie, Mac, magbago na kayo! Haha! Marlboro red naman! Nakakasawa na lights, mas maganda yun sa baga natin!

Siyempre di ko malilimutan si Otan, hugs! Mmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm. Yeah, That’s it for you.

Bo, pano? Till here nalang? I love you Bo! Bye… Ay may hand written message pala ako sa yo.. asa baba..

>

>

>

>

>

>

>

>

>

>

>

>

>

>

>

>

>

>

>

Dear You

Posted on October 1, 2009 by keehnah.
Categories: Love.

Yeah you! Otan, I want you to know that I love you, I do. Pero paano to? Ganito nalang? I don’t think we will be better as friends. I can’t imagine myself doing these to you. I’m sick of these things, sana naman alam mo yun.

Sobrang nalungkot ako nung sinabi mo yun, na may boyfriend ka na. Feeling ko non hindi mo ko mahal, isang tanong para sayo: Mahal mo pa ba ako? Aaminin ko sayo, napanaginipan kita the night na pinapatigil kitang magtext sakin. Sobrang saya ng dream na yun, and I want it to come true to life. About what happened to my dream? We were so sweet at our unplanned date, hugging so so tight, kissing you at your lips.

I think it would really happen if I think about the things I’ve done to you. It would be easy for me to love you more. I’m sorry.

Now Playing as a bed: Doesn’t Mean Anything by Alicia Keys

Basahin ang aking Sasabihin, Ayoko nang ulitin

Posted on September 29, 2009 by keehnah.
Categories: Photoblog.

Photoblog now on process

Punit!

Punit na naman! Nakakaloka!

Punit Pix mode, sobrang I HATE YOU! Puro I hate you ang nakalagay!

Eto pa, I HATE YOU HEARTBREAKER!

Sana readable siya: Basahin ang aking sasabihin, ayoko ng ulitin, ituloy mo na!  KUNG BIGLA, KITA’Y AKING IWANAN, SANA’Y DI MO MAKAYANAN!

Ito yung portrait ko sa kanya dati, binaboy ko na! I HATE YOU!

Close up version, nang mabasa ang maraming I HATE YOU

Box of Rusty Lopez shoes, nakita ko nakakalat sa bahay. Sayang to fan sign din yan!

Full version, kasama yung buong notebook

Name with a face, RUSTY in your face!

The Diary of a Superboy Rockstar

Wannabe is now shutting UP!

Grabe pala ako ma-galit sa love ko (correction, hate) para akong babae...
-Jhei Morisato

Turning 25

Posted on September 23, 2009 by keehnah.
Categories: Gigs.

Mangyaring ito ay ang birthday gig ng nagii-sang Fatih Vicente. Happy Birthday ate! Hahaha :)) Tanda na. Stay cool. Be happy, wag na mag-e-emo. Hahaha.

Isang pagtatanghal ng Mood Swings Trauma Production na gaganapin sa Cuerdas Bar, September 24 (Thursday). Sanay makapunta kayo. Yung initial entrance na sinabi sakin ni Fatih is PhP80 with free 2 beers. Mapa-ayaw niyo o sa hindi. PhP80 dapat! Hahaha. Kaya pala ako nag-post dito ay para i-share lang kay Fatih ang poster na nilay-out ni Topher (Quezaveo guitarist) na tutugtog din. Haha.

At ito na nga yun! Paki-click na lang para lumaki. Fatih, nag-aalangan kami sa bagong drummer talaga namin, try ko humanap ng sessionist. Tsaka nga pala, di na naalis yung Sopiz, kasi yung PSD file niya nawawala e, di na maedit. Ayun. Pasensya na. Hahaha.

I Want To Be JHEI MORISATO

Posted on September 17, 2009 by keehnah.
Categories: Uncategorized.

Im rid of introdcing myself everywhere. Palagi ko na kasing nakikita, ginagaya yung style ko ng pag-blo-blog. Gusto ko ako lang yung ganon. Para maiba naman, ito naman, if you want to be a jologs, squatter & matapobre like me, ituloy mo lang basahin to.

PERSONAL HERO

Like kuya Atom (Araullo), marami akong hinahangaang tao, depende sa talent ng tao. I usually look for a profound expression of sacrifice. Andyan ang mga working students na talagang hinahangaan ko. Pero sa lahat-lahat, si MAMA ang personal hero ko.

LIFE CHANGING MOMENT

After graduation - Ang dami talangang nagbago, every singular moment. Dati petiks-petiks lang sa school cause I’m a geek (ako yung type ng guy na di dapat mag-ka-gf). Ngayon, ang dami ng problema.

FAVORITE BOOK

Bible/Ang Alamat ng Gubat - Di ko masabing favorite ko siya e, ang dami ko ng nabasang book, pero pag ito yung binabasa ko, sobrang iba yung feeling: weird. Yung Alamat ng Gubat, sobrang nakakatuwa. Bob Ong, siya yung influence ko dati sa Pag-susulat. Di mo akalaing may deep meaning yung mga kalokohang sinasabi ng bawat character.

FASHION ESSENTIAL

Long sleeved hoodies - Parang ang angas kasi ng looks, favorite ko siyang isuot kahit anong event. Malapit na rin maagnas ang kaisa-isa kong jacket na yon.

FASHION SENSE

Simpleng outfit lang yung hilig ko. Wala kasi akong effort mag-suot. Makikita niyo akong nagala with my sneaks, maong, tsaka kung anong T-shirt na lang.

CAN’T LEAVE HOME WITHOUT

Cigarettes - Naku, bago ako gumala, yun ang una kong binubulsa, sabay na yung lighter, tapos bahala na kung may maiwan. Basta may baon na yosi.

BIGGEST ACHIVEMENT

Quezaveo - Yung pagkakabuo ng banda ko achievement na yun e, lola na yung mga songs. Yung pinaka-gusto kong mangyari kasi sa akin di pa nangyayari: Meet and greet Hayley Williams.

DOWNTIME

Gigs - Kapag gumigimik ako, gusto ko nakikinig lang sa banda, siyempre dapat may beer. E, I rarely go out to bars, kaya I often stay home listening to CD/MP3 or jamming with Quezaveo or naglalakad kung saan-saan.

SECRET VICE

Top 20 crushes - Weird kong gawin yan, pag may nakikita akong maganda sa TV, crush ko na, then ililista ko, according sa rank. Baka kasi, one time, makilala ko siya. Diba? Hahahahaha! :))

PET PEEVE

Artista search winners - Sang-ayon ako kay DJ Mo Twister! Na yung local celebrities naten e, di marurunong umakting. Ang OOA. Kainis pag nakikita ko yung kaartehan nila.

HIDDEN TALENT

Hand washing clothes - Not a talent at all, pero malay natin, maging labandero pala ako balang araw. LABANDERO  RACKSTAR!

verification text: PBA0901s1628

Batang Paraluman: Madzters United

Posted on September 12, 2009 by keehnah.
Categories: Friends.

Ito na ang pinaka-kakaibang blog post ko. Ang i-assess ang isang text clan na sinalihan ko.  Ang Madzters United, isang text clan ng mga nagkakaisang supporters ni Madeline Ramoboyong (ang pinakacrush ng bayan sa lahat ng Soupstar talents). Ang Madzters United o MADZ U ay ang offhoot ng Madeliners. Nabuo ang samahang ito noong April 7, 2009, panahon na binuwag ang Madeliners upang bigyan daan ang isang mas maingay na clan.

Di ko na maalala kung kailan ako sumali dito, pero natatandaan kong dinugo ang utak ko makasali lang dito. Nung makapasa ako sa pagsubok, wala pa palang pangalan ang MADZ U.

Ilang buwan ang lumipas, nagquit ako. Pero may isa pang pagkakataon na ibinigay sa akin. Sumali ulit ako, di ko na to pakakawalan. Ito ang second chance. Hahahaha!

Eto ang mga masasabi ko sa bawat miyembro ng MADZ U.

Habang sinusulat ko ang post na ito, ay kasalukuyang may 12 miyembro sa list ko.

MODERATORS:

DANICA (Daga) 18 Laguna - Sa Madz U., siya ang pinakalagi kong nakakasama, pero never pa sa gig ng Paraluman. Siya ang pangunahing mod. Di ko masabing close kami, pero I can talk to her deeply. Siguro close na rin kami kasi she can share her secrets to me.

EUNICE (Bespren) 18 Cavite - Ang pinakakuwelang miyembro. Matalino, kaso walang buypren. Hahahaha! Di niya kailangan yun, pinapangunahan ko na kayo. Ay! Kababayan ko pala siya, tubong Tagaytay. Matapang na TENYA. Siya rin ang pinakamaraming katawagan ko. Mula sa TENYO-TENYA, PANCHO-PETRA naging KABISYO-BESPREN na ang tandem ng tawagan namin. Magaling kami e.

SABRINA (Bogz) 16 Rizal - Tubong Pililia, siya ang pinaka-salbahe sa lahat ng mod. Siya din ang laging ka-asaran ko. Kaya minamahal ko yan e. Minahal kasi niya ako. Hahahaha :)) Ano pala. Ahm.. Kapalitan ko ng mga banat. Parang tanga lang kami. Siya din ang laging tumitingin ng picture ko sa friendster, siya kasi yung may pinakamaraming photo comment doon. Mahal ko yan kahit isa siyang BABOGS.

MEMBERS:

ELA (Boogie) 17 Marikina - Adik din to, makulit, nagiging close na kami lately kaso naudlot, nag-smart ata. Ayun. Haha. Maraming kuwento sa akin yan, kahit di ko na siya tatanungin. Good job, boogie!

JABES (Totoy) 16 Muntinlupa - Anak-anakan ko to, akala ko nung una babae, pero siya pala yung pinakamasipag magreply sa mga comments ko sa YouTube channel ko. May project kami niyan. Suprise! Tsaka mabait yan!

JANINE (Myxko) 16 Bulacan/Pampanga - Myx lover din siya, tulad ng karamihan. Siya yung pianaka-unang katawagan kong weird pakinggan. Unique e. MYXKO. Haha. Una o na siyang nakilala sa MyxLive Chat. Pasaway siya lagi. Natututo ng makipagkulitan sa akin.

JHA (Ate ng lahat) 22 Makati - Yosi buddy! Ang pinaka-wranglers saming lahat na nasa clan. Kaya siya ang ate ng lahat. Yung GM niya sunod-sunod, puro nga lang qoutes. Hahaha!  Pag pumupunta akong gig, ang muhka niya ang pinaka-madalas kong makita. Last gig ko ata, siya kasama ko, inaalok pa ako ng yosi. Huwag niyong aalukin ng Marlboro Lights yan. Allergic siya don. Sarap maging close ng ate na to. Kuwela pati.

YVES (Babes) 19 - Si boy qoutes, tropa yan. Haha. Trip lang namin yung tawagan naming babes, lalo na pag maingay. Yun nga lang, di pa kami nag-iingay ng sabay. Siya rin ang karibal ko sa puso ni Madeline.

RHEA (Tots) - Nawawalang ka-close ko. Callalister! Hahaha! Yun lang ang naalala ko sa kanya. Kaya kung nababasa mo to, mag-load ka naman.

ANNE - Isang babaeng naka-text ko minsan. UPCAT thinga ata yung pinag-usapan namin. Naalala ko asa UP pala ako nung katext ko siya. Hahaha. Ayun, di ko siya masyadong close.

RHANNY - Di ko pa siya nakakatext.

May mga kasaling nawala sa eksena na inaabangan naming magbalik: Duane, Kai, Jovy, Abigail, Monics, Charlie at di ko na maalala kung meron pa.

verfication text: PBA09p600808

Happy Thursdays

Posted on September 9, 2009 by keehnah.
Categories: Gigs.

Isang kapanapanabik na tugtugan na magaganap sa Cuerdas Bar! Punta kayo, libre lang. Di ba Fatih? Eto na yung poster mo. Yosi ko a? Ahm. Marlboro Lights, yung blue, Penge na rin ng lighter na hugis gitara.

Click mo na lang para lumaki! Hahaha.

Kilig Factor?

Posted on September 5, 2009 by keehnah.
Categories: Games, Love.

SInce 2005, 6 relationships na ang napagdaanan ko, pero sa 6 na yun, di pa ako nakakaranas ng isang valentine date. Laging di umaabot sa Feb. 14, kaya no comment ako pag tinanong ako kung ano ang feeling. Siguro masaya yun, kasi special day yun lalo na pag kasama mo ang mahal mo. Matinding kilig factor.

Sinabi ko dati sa dito sa blog na ayoko ng pag-usapan ang love life pero di ko alam, bakit ganito, bini-break ko ang promise ko? Pero aaminin ko nalang siguro na yung previous relationship ko ang pinakatinamaan ako.

BLOG: Jhei Morisato! Emo ka na naman ba? Di ba punkista ka?

JHEI: Uhm, ayoko na nga! Inaaway mo naman ako e.

BLOG: Joke lang e, sige na, kikay ka na, kuento ka na ulit

JHEI: Kikay ka diyan? Tse! o siya, eto na.

Kasali ako sa WE ADORE DANITA, text clan yun. Then came Pau, ang sweet niya sakin, ewan ko ba kung bakit. Tapos bago matapos yung unli ko nung Sept. 1, may inamin siya sa akin. Di ko na sasabihin kung ano yun to protect her intentions. Tinanong ko na lang kung bakit niya nasabi yun for which she replies: KC IBA K, UR NICE ND FRIENDLY.

BLOG: Jhei! Mahal ka non? Pano..

JHEI: Shut up! Walang kilig factor yan para sa akin, sobrang miss ko na ang OTAN ko. Di pa niya nararamdaman yung gusto kong i-feel niya. Di parin ako ready sa bagong chorva, kung ready man ako, gusto kong balikan siya. Super hinayang.

BLOG: Di ka kinamumuhian mo siya?

JHEI: Drama lang yan. Tama na siguro to blog, gusto kong haranahin na lang siya, sakaling mabasa niya to. Gawin na lang niya yung procedures na ibibigay ko para marinig niya na para sa kanya yun.

BLOG: Wushu! I.T. kinuha mo, di ka bagay magartista, pero pwede siguro ano, ahm, journalist!

JHEI: Tumigil ka nga! Asar talo na nga e, kita mo ba yung latest post niya? Ang saya niya! Di niya ko kailangan. Ayun. Nga pala, thanks kay ate Tin del Rosario sa mga banat na tinext niya, kahit alam ko na yung iba! Hahahaha! At kay Yunika Maan, dahil kakuwento niyang na-LSS daw siya sa Mag-usap Tayo Please. Kay Jeckis Jec, sa accomodation sa Ruhsters (text clan). Lastly kay Pau! si bhest! Ay meron pa pala, kay Bespren Eunice! Sa pakikipag-ingay sa akin sa Madzters United, nung umaga ng Sept. 1. Sensya na kayo sa reaksyon ni BLOG! Nagsasalita na siya e.

PROCEDURES:

1. Open a new browser (i.e. Firefox, IE, Opera, Chrome)

2. Copy this link,

3. Paste sa address bar ng browser, (text mo ko, para ibigay ko yung link, ayaw ma-post dito ee..)

4. Pag lumabas na yung prompt script, click open and damahin mo po sa puso!

BLOG: Di kaya marindi yun sa boses mo? Aray! Bat mo ko kinonyatan?

JHEI: Di ka ba titigil? Sidekick lang kita.

BLOG: Yabang!

JHEI: Sipain kita sa side e.

verification text: PBA0910093s6

New Quezaveo Demos

Posted on August 29, 2009 by keehnah.
Categories: Music.

*Note: Click the link tapos open, huwag po yung save.. bawal po. Lyrics are not posted for some reasons.

Mag-usap Tayo Please
Music by Jhei Morisato
Lyrics by Jhei Morisato
Additional lyrics by Roxanne Frances Enriquez

The story behind this song was started with a trip. Yung title kasi galing sa sinabi ng isang character sa pocketbook na pinaglaruan namin ni Topher noon sa 7-11 Molino. Tapos kinalaunan, ginawa kong song, kasi catchy yung title. Ginawa ko siya para maging isang gift of friendship with Roxanne, na di ko inexpect na magiging demo namen. When I finished the song, wala pa siyang chorus. Puro verse palang, then I asked my friend to write the chorus part, para naman makapag-collaborate kame. Then, boom! Nagawa niya yung lyrics Rico Blanco style daw. Parang simpleng usapan lang. Sana pakinggan niyo para astig! haha. Dapat pag ipi-play niyo may comment akong makikita. Promise yun a?

Mag-Usap Tayo Please - Jhei Morisato

PAGHILOM
Music by Jhei Morisato
Lyrics by Jhei Morisato

This is my first song na nagawa after the splitan moment namen ni Rox. Magkatext kami non ni Ate Jha. Pinag-uusapan namin yung break-up thinga. Tapos may nanotice akong word sa text niya: “Naghilom na”. Sa tingin ko, yun yung cue ko na gumawa ng song dedicated sa ex. Nasulat ko yung lyrics mga 15 minutes then yung music simpleng chord progression lang. So here it is. Comment din a?

Paghilom - Jhei Morisato

Where Are My Friends?

Posted on August 12, 2009 by keehnah.
Categories: Friends.

I’m looking for my friends, pero di ko sila mahagilap. Parang lahat ata ilag sakin? Iwasan factor ba to? Si bhez Basha, di nagrereply sa YM, nung last time, kakalog-in ko lang, out na daw siya. Hindi ko alam ang nagyayari? Ano bang meron sakin at umiiwas sila? Yung mga high school friends ko, ayun, ayaw parin magpakita, sobrang busy ata.  Tapos sa mga clan friends ko, muhkang ayaw na rin sa kin. Ano ba? Nababastusan ba sila sa akin? Hindi ko rin naman alam dahilan, di naman sila nagsasabi. Ayun, tinapon ko na yung sim card kong may number na 09163189082, para wala na akong hihintaying text. Di na ako nagcecellphone. Dahil ayaw nila.

I want a friend. Gusto ko maraming bestfriend. Gusto ko yung tropa. Gusto ko yung may nakakasabay ako ng trip sa buhay. Gusto ko yung parang ayaw kong matapos yung usapan namin, tapos gabi na kami uuwi. Miss ko na ang GFTD. Miss ko na ang band ko. Miss ko na ang Sopiz High, Madzters United, sila Cathy, Bhez Basha. Mga college friends ko. Mga college profs ko na itinuring kong tropa. Yung mga kalaro ko dati ng basketball. Asan na kayo?

Siguro wala talaga akong kuwentang kaibigan kaya ganon. Ipokrito, hambog, mayabang, nagmamarunong.  Hmm. I got one friend. GOD. His the BEST! I love you!